jump to navigation

Why Boxer’s Shorts? April 1, 2008

Posted by tmselbor in Oww...thots.
Tags: , , , , , ,
trackback

 

 

Well, ang mga matatalino talagang kagaya ko ay hindi tumitigil sa pagtanong at pagtuklas ng mga sagot sa kung anong mga anik-anik sa world natin. Yesterday habang kunwaring (actually nakikibasa lang ako) pumili ng libro sa Booksale I overheard two guys comparing the advantages and disadvantages of wearing boxer shorts and brief. Parang debate kumbaga yung isa sa affirmative side, pro-boxer short at ang isang guy naman negative side pro-brief. Actually hindi naman ako interested about the pros and cons of wearing boxer’s or brief kasi hindi naman ako nagsusuot nun. But then again, my coconut milking brain (translation: gumagatang utak) ay biglang napaisip. Bakit kaya boxer short ang tawag dun? Hindi naman ito kamukha ng mga shorts na sout ng mga boxers kung nag-uumbagan at nag-yayakapan sila sa loob ng boxing ring?

Tingnan ang evidence number 1:

 

boxer short
Ito ang Boxer short

 

manny pacquaio boxing short
Ito naman ang shorts ng mga boxers

Kayo na ang mag-judge (pwede nyo yang i-judge kasi hindi yan book, at saka wala syang cover kaya pwedeng-pwede i-judge) magkapareho ba ang boxer’s short at ang short na sout ng mga boksidor?

 

Evidence number 2:

boxer short on ebay
Ito yung boxer short na binebenta sa ebay.com (hindi po kasama ang model)

 

 

manny pacquaio boxing short
Ito naman ang boxing short ni Pacman na on-sale sa ebay.com(buti na lang hindi nag model sa Pacquiao dito)

Mukha bang boxer’s short ang short ni Pacman?

Ano kaya ang itsura ng boxer short na mukhang boxer short talaga? Na-picture out ko sa aking beautiful mind ang picture ng boxer short na kagaya ng boxer short ng mga boxers (parang ang gulo ng sentence, sana ma getz nyo ang what I mean…). Dapat nakalagay ang lastname mo sa front ng beywang ng short tapos ang nickname mo dun sa backside ng beywang. Sa right na laylayan naka burda dapat ang Philippine flag para nationalistic ang dating, tapos bandang taas ng flag may malaking logo ng Talk ‘n Text (or depende sa simcard na gamit mo), then sa left side naman may logo ng Alaxan at Magic Sing. Sa backside naman naka burda ang Motolite Pangmatagalan, Darlington Sucks Socks at NoFear. Tapos dun sa mga spaces na natira pwede dun isabit ang logo ng Aling Bebang Store, Fishball ni Ambo, Tambayan ni Byter, Mabuhay Funeral Homes, Garalgal KTV, Siopao ni Nena at kung ano-ano pa tapos may flaming-flaming accent ever pa. Shuuckkkss….ang sagwa. Sinubukan kong i-photoshop ngunit, subalit, datapwa’t hindi kaya ng expertise ko na gawin ang naaayon sa diskripyon. Sobrang hirap!

 

Again ang tanong, bakit boxer short ang tawag sa boxer short? Hindi naman ito kamukha ng short ng mga boxer’s. Nagtataka ka rin ba? Kung ganon, pareho na tayong nagtataka…

Comments»

1. senselessthinker - April 4, 2008

Mas okay ang boxers in terms of comfort, mahal nga lang. Mag compose ka rin ng topic about grandma’s panty VS thong. HEK, HEK!

2. tmselbor - April 4, 2008

@senselessthinker -i don’t know what to write, wala pa ko naka-experience wear sang grandma’s panty. i don’t how and what to compare…

3. senselessthinker - April 4, 2008

i thought that’s the one you’ve been wearing since college days. is it not?

4. tmselbor - April 8, 2008

@senselessthinker -’scuse me. i didn’t wear grandma’s panty in college days bcoz that time i don’t wear undies at all…hekhekhek…JOKE!

5. Laarni - April 8, 2008

Oo nga noh. napaisip ako bigla. hehehe.

6. senselessthinker - April 10, 2008

horrific ka pala no’ng college.